Tuesday, September 14, 2004

Paglundag sa Bangin

Paano ba lumundag sa bangin?

Kailangang bumitaw
Sa kapatagang natatanaw

Manahimik sa loob
Nang maghintay sa darating

Manatili sa kinalalagyan
Itabi ang maiingay sa isip

Hayaan ang wala
Manahan sa puso at kalooban

Magaan
Walang wala

Hungkag

Ang madilim

Tahimik

Nanatili

Sa Kawalan

No comments: