Saturday, March 03, 2007

Chuang Tzu 72

Tinanong ni Maestro Tung-kuo si Chuang Tzu: Itong kuwan na Tao - saan ba nagmemeron?

Tugon ni Chuang Tzu: Walang lugar na hindi nagmemeron.

Maestro Tung-kuo: Ikaw naman, kailangan mong tukuyin

Nasa langgam.

Sa ganoong maliit na bagay?

Nasa damo.

Mas lalong di-mahalaga!

Nasa sahig at mga basag na bagay.

Paanong ganoon kababa at di-mahalaga ito?

Nasa ihi at iput.

No comments: