Sunday, September 15, 2019

Tula 2: Nakaw na Sandali


Ang dampi ng malambot na balat;
Madulas dala ng pawis.
Nanaig ang katawang pumipiglas;
Sa ilalim na maninipis na kumot.

Habang nanaghoy ang hangin sa bintana,
Mga mata nangungusap;
Humihingi ng pagkakataon
Na isantabi ang mga alinlangan.

Nagsimula sa mga labi,
Animo'y taong naghahanap ng landas sa gabi
Na may malalim na pagnanasa
Mapusok na pangangailangan.

Nagsumpungan ang mga dila sa kalagitnaan;
Mainit na buntong hininga;
Uhaw na uminom ng alak
Sa umalimpuyong kapusukan.

Lasing ang mga diwa;
Mga damit nakahanap ng madapuan;
Pa-isa-isang nahuhulog sa sahig.
Hanggang wala nang matataguan.
Sapagkat ang dalawang nagnanasang katawan,
Uhaw ang nagisnan sa kasalukuyan.

Balat sa balat, dumudulas;
Naging entablado ang sahig
Bumaba ang itaas dahan-dahan,
Busog sa halik,
Buntong hiningang nangungutal.

Bumigay ang mabagal
Sa bilis ng pagnanasa
Dala ng kapusukan
Habang sinusubukan ng katawan
Na uminda sa ligaya.

Napatapon sa luwalhati,
Mula sa bigat ng dagok
Naiwang sumisigaw at basa
Sa kawalan
Paulit ulit.

Habang naririnig ko ang aking pangalan
Nasambit mula sa lalamunan
Habang nagnanasa pa ang katawan;
Nagbibigayan
Lasing sa alak ng kamunduhan.

Niyapos, pinakawalan;
Mangyaring sinusubukan
Na mawala sa sarili.

Ang tamis ng iyong balat
Sa pagitan ng aking mga labi
Walang kasing hawig
Humihingi't umiiyak ng awa.

Habang pinipiga ang natitirang lakas
Mula sa kaibuturan ng puso
Upang marating ang rurok
Ng minimithing pag-iibigan.

Umalingawngaw ang ugong
Tila mga sundalong nagwagi
Pauwi mula sa digmaan
Ng mga higante't titan.

Ngayon tila mga baga,
Pagkatapos ng maapoy na sandali,
Mainit at nakakapaso parin,
Naghihintay ng pagkakataon
Lumiwanag muli
Sa susunod na mga gabi.

No comments: