Mga Pakikiniig kay Soren Kierkegaard
Para sa aking kaibigan at gabay, P. Roque J. Ferriols, S.J., ala-ala ng mga dakilang pagliliwanag.
ANG KABALYERO NG PANANAMPALATAYA: Soren Kierkegaard
Bong. Eliab
Nagmumunimuni si Johannes de Silentio ukol sa buhay ni Abraham, sa pananampalataya nito sa Diyos sa gitna ng pagsubok sa kanyang katapatan. Naroon kay Johannes ang pagkalito sabay isang pagpugay sa nadaanan ni Abraham. Sa likod ng mga pamumunimuning ito ay si Soren, na ginagamit ang pangalang Johannes de Silentio, na naglalahad rin ng kanyang paglalakbay sa buhay pananampalataya at buhay katapatan kay Regina. Totoong medyo may kahirapan ako sa pagbabasa sa teksto upang mawari kung tinutukoy niya si Regina ngunit mas pagtutuunan ko ng pansin ang paglalahad ni Johannes de Silentio ukol sa Kabalyero ng Pananampalataya.
Ang karanasan ng pagsubok kay Abraham ay isang karanasan ng Kabalyero ng Pananampalataya. Nangako ang Diyos kay Abraham na magiging dakilang ama siya ng lahat ng bansa. Magiging dakila ang kanyang pangalan sa buong sanglibutan, ang magiging kasing dami ng bituin ang kanyang angkan. Naniwala si Abraham sa pangako ng Diyos. At dahil sa pangakong ito, naisilang sa kanyang asawang si Sarah ang isang bata na pinangalanang Isaac. Habang lumalaki si Isaac, may isang panahon na iniutos ng Diyos kay Abraham na ialay niya ang kanyang kaisa-isang anak sa bundok Moriah bilang handog kay Yahweh. Naniwala si Abraham sa utos ni Yahweh. Naniniwala siyang kailangan niyang ihandog si Isaac bilang alay sa Diyos sapagkat ito ang hinihiling mula sa kanya ng Diyos. Kung hindi niya ito gagawin, sinusuway niya ang Diyos. Ngunit naniniwala rin siya sa pangako ng Diyos, na siya ang magiging ama ng lahat ng mga bansa at dadami ang kanyang angkan tulad ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan. Hindi siya bumitaw, naniwala sa sa pangako ng Diyos sabay tumutugon siya sa utos ng Diyos. Tatlong araw na naglakbay si Abraham, kasama si Isaac at ilang mga alipin sa bundok ng Moriah, ni hindi tuminag ang pananampalataya ni Abraham, ni hindi man lamang isang saglit na nagduda siya kahit na magkasalungat ang dalawang kanyang pinaniniwalaan. Baka pa nga hindi niya pinag-isipang magkasalungat sila, hindi ko alam – ngunit alam kong hindi siya bumitaw, buo ang kanyang pananalig.
Sa tatlong araw na iyon, maaring maraming nangyayari sa isip ni Abraham, naduda kaya siya tulad ko, tulad ng bawat isang taong hinaharap niya ang isang napakahirap gawin – ang ialay ang kaisa-isang anak ng isang amang nagmamahal? Baka naranasan ni Abraham ang matinding pagkalito, ngunit sa pagkalitong ito, ibinibigay pa rin niya ang kanyang buong sarili sa Diyos ng walang pasubali. Sinasabi ni Johannes de Silentio na nararanasan ni Abraham ang isang uring takot, tulad ng takot na naranasan rin ni Maria noong bumaba sa kanya si San Gabriel Arkanhel. Hindi isang takot na kailangang tumakas, kundi isang takot sa Diyos bilang paggalang sa Kanyang kalooban. Isang "mapitagang pag-urong" bilang paggalang, ngunit sabay isang pagtanggap ng Kanyang kalooban ng may pagkabukas ng puso at kalayaan. May katangian itong takot na ibang iba sa emosyunal na takot, kundi isang kakaibang takot na may kahinahunan ngunit sabay nagtatanong na hindi naman isang purong pagdududa kundi isang pagtatanong na dala ng pagkamangha, pagtataka at pagkabighani.
Ang hiranging maging ama ng mga bansa o maging ina ng Anak ng Diyos ay isang sandali ng pagkamangha, pagkatakot at pagkabighani sa kalooban ng Diyos. Ang malamang kalooban ng Diyos ang ialay ang kaiisang-isang anak sa bundok Moriah o ang malaman ni Mariang ipapako at mamatay sa Krus ang kanyang mahal na Anak ay isang hindi maipaliwanag na mapitagang takot sa lihim na kalooban ng Diyos. Ngunit sabay sa pagtanggap sa Kanyang kalooban, naroroon rin sa kaibuturan ni Abraham ang paniniwalang mahal niya si Isaac, na tapat ang Diyos sa kanyang pangako. Naroroon rin yata sa tahimik na puso ni Maria, na tinatago ang lahat na nangyayari sa kanyang puso, ang matatag paniniwalang si Hesus ang taga-pagligtas sa gitna ng Kanyang pagdurusa at pagkapako sa Krus. Naisisilang mula sa kabalintunaang ito ang pananampalataya, isang tunay at makataong pananampalataya sa kalooban ng Diyos na gumagalaw at tumutubo sa bawat isang tao, hindi lamang kay Abraham at Maria. Sa taong nag-iisip sa isang sistemang kailangang linawin ang lahat, ang ganitong pangyayari ay lalabas na kabaliwan, sapagkat baliw lamang ang magsikap pagsamahin ang dalawang magkasalungat, ang maniwala ng may buong katapatan sa dalawang pangako – ang pag-aalay at pagbibitiw ng lahat para sa Diyos at ang pagtitiwalang makamtan muli ang inaalay at binitiwan. Lalabas na parang hilaw ang pagbibitiw kung may halo na itong hindi naman talaga bibitawan.
Ang Kabalyero ng Pananampalataya ay laging tapat at buong pusong nanalig sa walang hanggang pag-aalay ng lahat para sa Diyos, ngunit sabay hindi niya binibitiwan ang mga makamundong pangako at kabutihan ng buhay. Nararanasan niya ang pag-aalay ng tapat sa Diyos ngunit sabay namumuhay siya sa tahanan ng sangkatauhan na may mga hangganan, may kahinaan. Hindi tulad ng isang Bayani ng Trahedya, nilampasan niya ang sanglibutan ng mga limitado at namumuhay sa isang buong pag-aalay sa Diyos, ngunit sabay nabubuhay naman na parang dayuhan sa mundong ito. Samakatuwid nagkukunwari lamang siya, nagdurusa sa kanyang panlilinlang sa kanyang sarili.
Tapat si Abraham sa Diyos, iniaalay niya ang lahat meron siya, ngunit tapat rin siya sa pangako ng Diyos para sa kanya sa sanglibutang ito, na magiging ama siya ng lahat ng mga bansa. Ang buod ng kanyang karanasan ay laging nasa sentro ang kalooban ng Diyos, maaring magkasalungatan man ang nakikita niya, ngunit nanatili siyang tapat sa Kanyang kalooban – nabubuhay siya sa isang balintuna na hindi maipapaliwanag kaninuman sapagkat ang nakasangkot ay ang kanyang personal na buhay bilang siya at ang Diyos na personal na tumatawag sa kanya sa isang bukod-tanging paraan. Handa niyang itabi muna sandali ang etikal at unibersal upang sundan ang kaloobang ng Diyos na tumatawag ng personal sa kanya. Hindi nito ibig sabihin na tinalikuran at binitawan niya ang etikal at unibersal, bagkus nilampasan niya. Hindi siya makakahantong sa mismong paglalampas kung hindi siya dumaan at namuhay sa etikal na pamamaraan. Ngunit handa siyang itabi ang etikal sapagkat nag-aanyong itong tukso upang sundin niya ang kalooban ng Diyos. Sa Kabalyero ng Pananampalataya, ang tungkulin at responsibilidad lagi ay ang Kalooban ng Diyos. Itong tawag Niya, ang Kanyang kalooban ay laging nasa personal na antas, tumutugon rin ang tao bilang indibidwal, sa personal at bukod-tanging paraan. Kaya hindi maipaliwanag sa isang idea clara et distincta ang mga nangyayari, tulad ng kay Abraham at Maria, sapagkat lumalampas ito sa hangganan ng unibersal, sa salita ng etikal. Ang nangyayari ay isang buong relasyon ng sarili na nakikiisa sa Banal na Siyang may kalooban para sa lahat.
Samakatuwid, isang hamon sa bawat isa, sa akin, sa ating lahat ang palaging paglalagay ng sarili sa paanan ng Kalooban ng Diyos, maging ano mang uri ang Kanyang tawag, na personal na dumarating sa bawat isa. At ang pagtugon sa tawag na ito, isang personal na pagtugon ngunit sabay isang biyaya rin. Biyaya sa aking na tinawag ako ng Diyos, personal akong tumugon sa bukod-tangi niyang tawag sa akin, na ang mismong pagtugon ko ay siya ring biyayang ipinagkaloob sa akin. Hindi ko ito maipapaliwanag ng lubusan sa iba, baka pagtawanan pa ako o kukutyain o uunawain, hindi ko alam. Pumasok ako sa paghubog bilang paghahanda sa pagpapari, ngayon ipapaliwanag ko sa mga tao kung bakit ako mag-aasawa – ngunit sa kaibuturan ng aking puso, sa liwanag ng panalangin at biyaya, kalooban Niya pa ring maglingkod ako sa Kanya sa ibang klaseng bokasyon, pagtuturo kaya o paghubog sa mga mag-aaral? Ngunit tiyak akong ang Kalooban Niya ang laging aking pagsikapang maging tapat. May takot ring nararanasan habang isinasagawa ito, parang lumundag sa bangin, nagtataya, ngunit alam kong laging sumasalo ang Kanyang mahiwagang Kamay sa mga handang magpasalo, at doon ako nananalig.
MAPAGLIKHANG PAG-UULIT
Nagbubunyag uli si Søren ng kanyang karanasan sa kanyang buhay sa librong Repetition, sa pamamagitan ng paggamit ng ibang pangalan. Ngayon itong libro ay isinulat ng isang nagngangalang Constantine Constantius na nagbabahagi ng kanyang karanasan sa isang binatang nagbabahagi ng kanyang paghihinagpis tungkol sa pagmamahal sa kanyang kasintahan. May sinasabi ang taga-salin na itong obra maestra ni Søren ay may pag-aaninag sa istorya ng kanyang pagmamahal kay Regine, mababakasan sa kanyang mga sulat at pagmumunimuni ang mga pagmumulat niyang naranasan sa kanyang pagmamahal kay Regine at sa mga pagdurusa ng kanyang kaloobang sanhi ng mga pasya kanyang pinangatawan at ang pabubuo muli ng kanyang nawasak na sarili at ugnayan sa pamamagitan ng mapaglikhang pag-uulit.
Sinasabi ni Constantine na lumapit sa kanya ang binata upang ibahagi sa kanya ang kanyang nararanasan, ang ibang klaseng damdamin ng pag-ibig na nagsisimula pa lamang sa katunayan pero sa kalooba’t isip niya’y nararanasan na niyang magtatapos na ito. Naroroon ang kay Constantine ang isang kakayahang makinig, ngunit ang isang pakikinig na pinanonood niyang may kasiyasiya ang binata. Ngumingiti siya habang kanyang naririnig ang mga interesante at kagilagilalas na nangyayari sa binata. Ang payo naman ni Constantine ay kailangan ng binata na pangatawanan ang isang pag-uulit, na ang ibig sabihin, iwanan ng binata ang kanyang kasintahan at magsimula siya ng kanyang bagong pagmamahal sa isang bagong babae muli. Kapag dumating uli ang ganoong uring paghihinagpis, na naging isang pagbabalik-tanaw lagi ang nangyayari upang sariwain ang mga interesante at romantikong nangyari, sapagkat laging tapos na ang relasyon sa isip ng binata habang nagsisimula pa lamang ito, maghanap uli ng bagong kasintahan. Kailangang iwanan lagi ang kasalukuyang kasintahan kapag pumanaw na ang romantikong pananabik.
Makikita sa atitud ni Constantine na ang pag-uulit ay isang pagpapalaya lagi ng sarili mula sa pagkagapos, mula sa pagdurusa at paghihinagpis. Parang isang paru-paro na papalipat-lipat sa iba’t ibang bulaklak, sapagkat kaligayahan ang hinahanap, na isang tahasang pag-iwas naman sa tawag ng katapatan. Nasa larangan ng estetiko ang ganitong atitud, sapagkat tinitingnan ang buhay bilang paghahanap sa mga nakakakiliti lamang sa pandama. Kailangan ang pag-uulit, hindi upang makita ang kalalimang nakatago habang inuulit, kundi upang ulitin ang nakakakiliti para sa sarili. Kung meron mang nalilikhang bago o meron mang nagsusulputang kakaiba na wala sa dating pagdanas nito, kailangan itong tanggihan o iwasan (R 1941, 75). Kaya gumawa siya ng isang tusong plano upang palabasing meron nang ibang babae ang binata, na nanloloko lamang ang binata sa kanyang kasintahan kaya hiniwalayan siya ng kanyang kasintahan. Hindi naman ito tinaggap ng binata.
Noong kuwan na nawala ang binata (R 1941, 48), siya na mismo ang gumawa ng eksperimento, ang pangatawanan ang pag-uulit. Ngunit sa kanyang mga ginawa, may ibang nangyari. Hindi na isang pag-uulit ang nangyayari sa kanyang matigas at mekanikal na kahulugan ng pag-uulit (R 1941, 74). Sinabi niya na ang kaisa-isang maaring ulitin lamang ay ang pagka-imposible ng pag-uulit sa bawat pangyayari (R 1941, 75). Kaya natuklasan niya na imposible lagi ang pag-uulit.
Ngunit nakita binata ang tunay na pag-uulit noong huling sumulat siya kay Constantine, taliwas sa pag-uulit na pilit na pangatawanan ni Constantine sa kanyang nararanasan at pag-eeksperimento (R 1941, 125). Natuklasan ng binata na handa na siyang ulitin ang kanyang pagmamahal sa kanyang kaisa-isang minahal at mamahalin sa buong buhay niya, at itong pag-uulit ay isang unos, isang napakalakas na unos, ang maging isang asawa ng kanyang kasintahan. At itong pag-uulit na ito ay hindi isang pag-uulit na gaya sa pinayo sa kanya ni Constantine: ang maghanap ng interesante mula sa mga babae, na mistulang mga laruan lamang. Kundi natuklasan ng binata na ang pag-uulit ay isang katapatan doon sa kanyang kasintahan, isang malayang pasyang maging tapat, tulad sa ginawa ni Job habang dumarating ang pagsubok sa kanya ng Diyos. Kabaligtaran naman ang hinahanap ni Constantine, isang kalayaang mula sa pagkagapos ng katapatan, isang kalayaang hindi talaga tunay na malaya sapagkat kumakawala ang sarili sa tunay na tawag ng sarili. Ito ang makipagkapuwa tao, na may paggalang sa minamahal, at isang katapatan mula sa tunay kalayaan.
Isang pagbubuo muli ng sarili ang pag-uulit na ito (R 1941, 125), tulad sa ginawa ng binata. Nalaman niyang ikakasal na pala ang kanyang kasintahan sa iba. Ngunit hindi nito ibig sabihin na hindi maaring mangyayari ang isang pag-uulit, isang pag-uulit ngunit sabay merong bagong karanasan. Na maari pa ring magmahal ako kahit na may ibang minamahal ang aking kasintahan. Ang pagmamahal ay bahagi ng aking sarili, isang posibilidad ng sarili na dapat pangatawanan. Ang pagkitil sa posibilidad na ito ay isang pagtanggi mismo sa aking sariling nagmamahal at may kakayahang maging tapat.. Natutuklasan ng aking sarili na sa pag-uulit muli, may bagong nangyayari, may nalilikhang bago. Naroroon ang muli kong pagtanggap sa aking sarili, ang sariling nagmamahal, sabay naroroon rin ang pagmamahal na hawig sa unang pagmamahal na pinangatawanan ko, ngunit sabay iba sapagkat may asawa na ang aking mamahalin.
Kaya sa istorya, na isang pag-aaninag sa karanasan ni Søren, natuklasan muli ng binata ang kanyang sarili, mas panatag na ang kanyang loob. Nagbalik-loob siya sa kanyang tunay na sarili, ang sariling nagmamahal. Sabay sa kanyang pagkilala muli sa kanyang sarili, nagbalik-loob rin siya sa kanyang dating minahal sa pamamagitan ng ibang klaseng pagmamahal, ngunit isang muling pagmamahal.
Sa aking karanasan, ganito rin ang nangyayari sa aking mga pakikipagkaibigang humina at nawasak ng panahon. Laging posibilidad ang mapaglikhang pag-uulit, laging isang binhing nakahain sa bawat isa. Isang bago’t sariwang umaga, kahit paulit-ulit, ang pakikipagkaibigan sapagkat patuloy na dumadaloy ang kayamanan nito araw-araw habang patuloy na pinapangatawan ng magkakaibigan ang maging tapat. Samakatuwid, ang mapaglikhang pag-uulit ay isang pagbabalik-loob, isang pag-uwi sa tunay na tahanan – sa piling ng kaibigan at ng Dakilang Kaibigang tahanan ng lahat na pagkakaibigan.
Pagmumunimuni sa Diapsalmata
Masasalamin sa Diapsalmata ang kakaibang abot-tanaw ng isang taong naglalakbay sa sanlibutang nakikita niya ay puro pagkabigo, pagkabagot, kawalang kahulugan ng buhay, kahungkagan ng karanasan. Ilang beses pinadidiinan ng manunulat na si "A" ang isang buhay na umaagos lamang, isang buhay na walang patutunguhan kundi isang sirang plakang paulit-ulit na tumutugtog, nakakawala ng gana. Dumarating sa buhay ang panahon ng pagkabigo at pagkapagod, nararamdaman ito ko rin ito sa aking buhay – ang panghihina ng diwa, ang panghihina ng loob sa daloy ng panahon. Minsan humahantong sa isang panunuyo na maaring maging isang lugar upang huminto na lamang at magpasyang huwag nang magpatuloy sa buhay.
Ganito, sa aking pagbabasa kay "A," ang kanyang nararamdaman sa paglalahad niya ng kanyang pag-iisip at pagmumunimuni sa kanyang buhay. Unti-unting kinakain ang kanyang sarili ng isang oryentasyong ang buhay ay isang pagkabigo, pagkabagot, at kalungkutan, at trabaho ng mga nakapaligid sa kanya ang aliwin siya, gawing interesante ang kanyang buhay. Samakatuwid, umaasa siyang ang kanyang kapuwa tao, mga pumapaligid sa kanyang pangyayari ay puro palabas na dapat siyang antigin, sundutin, kilitiin at pasayahin. Kahitmanwari ang kalungkutan at pagkabagot ng buhay, na para sa kanya ito ang tunay at makatotohanang buhay, ay makaranas man lamang ng saya bago ito mawala sa mundong puno ng pagkabigo. Upang makatakas siya sa pagkabagot na ito, kailangan niya ang mga interesante at nakakaaliw na mga karanasan. Ngunit hindi rin ito matatamo kung hindi marunong ang tumatakas. Kailangang marunong at tuso, marunong magplano upang maging mas nakakaaliw at mas interesante ang karanasan. Kung mas interesante, mas maligaya, at mas nakakalimutan ang pagkabagot.
Naalaala niya ang mga panahon na noong bata pa siya, buhay na buhay ang kanyang diwa – mga panahon nga pagtubo ng pag-ibig sa kanyang puso, mga panahon ng may katindihan ang pagnanasa at potensyal [EO 1959, 24], kung saan ang umuuwi lagi ang mangingibig ng may bagong karanasan na ikinaliligaya niya. Ngunit lahat ng mga iyon ay nanuyo. Paulit-ulit na nabibigo ang buhay, kahit na nagnanasa ito ng mas lampas pa, nabibigo lagi. Kaya may kahiligan si A na tanggihan ang anupamang pag-asang panghabambuhay at kaligayahang inaasam-asam at pang matagalan na nasa kaibuturan ng puso ng tao, kundi tamasahin ang lahat, gawing interesante ang sariling buhay mula sa mga panandaliang aliw na nakahain sa pamamagitan ng tusong paggamit ng lahat na pumapaligid sa kanya, kapwa tao man o mga ibang bagay upang paligayahin siya. Iwanan ang mga pakikipagkapuwataong laging nabibigo lamang, ang mga pagsasakripisyo at pagkukunsumisyon, ang pagiging mapagkalinga – at manirahan lamang sa isang kalagayang walang pakialam, manhid, walang pinoproblema. At atupagin lamang ang sarili. Iwanan ang tapat na pagkakaibigan at pagkukunsumisyon sa buhay, sapagkat pinapahina lamang ng mga iyon ang kalayaan at kaligayahan ng sarili, sa halip maging isang ibong malayang lumilipad – walang tali, walang sabit – gawin ang nais gawin upang mas maging intesante at buhay na buhay ang karanasan. Delikado para kay "A" ang maging tapat, sapagkat binabawasan ng katapatan ang kalayaang hanapin ang mas maliligaya at nakakakiliting karanasan.
Una kong talakayin ang panunuyo ng diwa ni "A." Sinasabi niyang nanunuyo ang kanyang diwa at pag-iisip, ngunit walang hanggan namang pinapahirapan ng hungkag na kalungkutan [EO 1959, 23] ang kanyang buhay. Nararanasan niya ang isang panunuyo na hindi siya makagalaw ng malaya, isang uring pagkabilanggo na diwa na nais umigpaw. "Ngunit isang pagaw na sigaw ng ibong dagat ang aking tinig, o namamaos tulad ng biyayang dumating sa mga labi ng isang pipi" [EO 1959, 24]. Naroroon ang pagnanasang maging kasing talas ng kanyang boses ang mata ni Lynceus, maging mapangahas tulad ng tunog ng kalikasan, ngunit nanlulupaypay ang kanyang diwa. Inihahambing niya sa isang pipi ang kanyang namamaos na tinig, ang kanyang diwang nais huminga man lamang, nang ang kanyang naiisip ay mabigkas man lamang upang buhayin ang kanyang diwa, gisingin sa panlulupaypay.
Sa panunuyong ito ng kanyang diwa, may nararanasan siyang kakaibang oryentasyon sa buhay. Sinasabi niya na ang kanyang pagsalo sa buhay isang "tahasang walang kahulugan" [EO 1959, 24]. Nawawala ang kahulugan ng buhay sa gitna ng panunuyo, ngunit sa katotohanan, tunay na nanatili pa rin ang kahulugan na hindi lamang nakikita ng natutulog at nanlulupaypay na diwa. Hindi lamang nasumpungan ng isang tinig na paos, sapagkat ang diwa ay hapo at pagod. Sinasabi pa niyang "wala akong pasensiyang mabuhay. Hindi ko kayang makita ang mga damong tumutubo, ngunit sapagkat hindi ko kayang makita, wala akong pakialam na tingnan pa ang mga ito. Mga pabago-bagong pagtingin ng isang naglalakbay na iskolastiko ang aking mga pananaw, mabilis nagmamadali sa buhay" [EO 1959, 25]. Samakatuwid, dala ng kanyang panunuyo, naroroon ang oryentasyong ang buhay ay isang hungkag, walang kahulugang buhay, isang pag-ayaw magpasya ngunit manood na lamang sa buhay. Hindi dapat pagpasensiyahan, kundi magmadali ngunit huwag umugat sa kahit na ano, huwag maging tapat sa kahit na ano, huwag sumandig at bumatay sa kahit na ano. Sa halip ay magmadali habang dumaraan sa buhay. Isang pagdanas sa buhay na parang palabas lamang, isang oryentasyong nanonood lamang sa mga pangyayari, ngunit isang tusong panonood na pinapatigas ang puso [EO 1959, 39], walang pakialam sa kapuwa tao.
Habang malaya’t mabilis na dumadaan sa buhay, kailangang huwag magpatali, huwag maging tapat. Natutunan ni "A" ang magbitaw sa mga kaibigan at mga kunsumisyon, marunong siyang humawak ng sarili na huwag sumisid sa kalaliman ng pagkakaibigan at pakikipagkapuwa tao. Ngunit itong pagbitaw ay hindi rin isang paglimot, sapagkat kailangang alalahanin [EO 1959, 32] rin niya ang mga karanasang nakakakiliti at interesante upang pasayahin siya sa mga sandaling nababagot siya [EO 1959, 24]. Samakatuwid, lahat ay nakasentro sa pag-aaliw ng sarili, paghahanap ng mga interesanteng karanasan upang ibaling ang sarili mula sa pagkabagot tungo sa isang kaligayahang natatamo mula sa makasariling pag-aaliw ng sarili.
Sa gitna ng panunuyo na ito, nanatili pa rin ang hindi pagkasapat na ginagawa ni "A." Nasa isang kalagayan siya ng kabalintunaan, hindi isang kabalintunaang gawa-gawa lamang kungdi isang tunay na bahagi ng buhay. Sinasabi niyang pagod siya sa buhay at nais niyang magmadali, maging masaya, agawin ang panahon at gawing interesante ang buhay, huwag pag-abalahan ang iba kundi dumaan sa buhay ng mabilisan, "at nanatili pa rin ang pagkagutom" [EO 1959, 25]. Hindi napapawi ang pagka-uhaw, ang pagka-hindi-sapat. Kaya, kailangang takasan itong kalagayan ng panunuyo, upang makalimutan ang pagka-hindi-sapat. Dito, sumusulpot pa rin ang katotohanan ng buhay na pilit na tinatanggihan ni "A".
Kaya para kay "A" nais niyang maging malaya sa pagkabagot sa buhay, at ang kalayaang ito ay kabaligtaran ng katapatan. May isang kahiligan umayaw lagi sa buhay na may konsumisyon at may tawag na maging tapat. Sagabal lamang ang konsumisyon at katapatan sa mga karanasang nakakaaliw na panlaban sa buhay na nakakabagot. May isang uring pagtalikod si "A" sa totoong buhay, ayaw niyang magpasya sa harap ng buhay: na bahagi ng buhay ang karanasang mabagot minsan, ngunit mabagot sabay patuloy kumakapit pa rin sa katapatan at sa tawag ng pakikipagkapuwa. Sa gitna ng kadiliman ng buhay, ang nagpapakatao ay kumakapit pa rin sa munting liwanag ng katapatan at kahulugan ng buhay.
Sa kahulihulihan, humahantong si "A" sa pagkawasak. Winawasak niya ang kanyang sarili, sa halip na buoin ang sarili sa pamamagitan ng pakikipagkapuwa at pagiging tapat sa kapuwa. Ang paghantong sa kalabisan ng paghahanap ng aliw upang tumakas sa buhay na nakakabagot, upang tumakas sa buhay na laging paulit-ulit – ay nakakabagot rin kay "A." Kailangan ang isang oryentasyong ang mistulang paulit-ulit ay isang bagong karanasan lagi na hindi dapat takasan. Ang mahalaga ay maging alisto at maging tapat sa paulit-ulit, at may nakikitang bago mula dito. Halimbawa lamang sa pakikipagkaibigan, habang paulit-ulit na binibigkas ng magkaibigan ang kanilang katapatan sa isa’t isa, mas lumalalim ang pagkakaibigan, may mga bagong karanasan at namumulatan. Hindi lamang romantikong pakikipagkaibigan ang nararanasan, kundi may isang uring paglampas lagi na nangyayari sa bawat pagsisikap na maging tapat. May isang uring paglikha na nangyayari sa bawat pagbigkas ng katapatan. Nabubuo ang sarili at ang kaibigan, mas nabubuo ang katapatang namamagitang lumilikha rin sa dalawang magkaibigan.
Bilang paglalagom, nararanasan minsan ng aking sarili ang sinasabi ni "A," at nakikita’ nararamdaman ko ang iba’t ibang puwersang naglalaban sa loob, hindi magkatugma minsan, walang pagkamahinahon at kapayapaan. Nararanasan ko rin ang manuyo at mabagot, bahagi ng kahinaan ng aking pagiging tao. Ngunit lahat ng ito, bahagi lamang ng buhay, ng pagpapakatao, ng pagiging tao na hindi dapat takasan kundi tanggapin ng may pagpapakumbaba. May pagkakataon rin na nalalampasan ng sarili ang mga ito, ngunit kailangan ang isang pagbabago ng sarili, pagbabago ng pananaw at pagsalo sa buhay. Itong pagbabago ay nangyayari kung magbalik-loob lamang ang sarili, ang aking sarili, tingnan ang mga nakatagong potensyal ng sarili at lampasan ang kahiligan ng sariling tumakas tungo sa mga interesanteng mga bagay upang aliwin lamang ang sarili nang makalimutan ang mga konsumisyon sa buhay. Kailangan ang pasyang harapin ang buhay sa kanyang kabuoan, pasyang maging tapat sa tunay na kahulugan ng buhay sa gitna ng pagkabagot, panunuyo at panghihina ng loob. Winawasak ko naman ang aking buhay kung tinatalikuran kong harapin ang buhay at tumakas na lamang sa mga nakakaaliw at mababaw na nakakakiliting karanasan.
Ang pababalik-loob ay nangyayari kung pinagpasyahan kong tanggapin ang kahinaan aking sarili sabay pagsikapang lampasan ang mga ito sa abot ng aking makakaya sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa tunay kong sarili, sa pananatiling tapat sa potensyal at sarili ng kapuwa tao. Doon nangyayari ang pagtubo, na iniiwasan ni "A." Doon nangyayari ang patuloy na paglikha ng sarili, lampas sa pagkabagot sa buhay. Isang uring pagsalo sa buhay na laging sumisibol, sariwa at punung puno ng kayamanan.

PS. Maraming salamat, P. Roque sa paggabay. Ilaw ka ng aking pagmumunimuni.