Ngayon lang uli ako mapagsulat. Magtatatlong linggo na akong nakarating sa Pilipinas, ngayon lang ako nakakita ng panahon upang makipagniig muli. Salamat kay Anne at Maita, pina-aalahanan akong wala pa akong "updates" dito mula noong nasa Pilipinas pa ako. Kaya, heto... mas maigi siguro magsimula ako sa simula, sa bungad.
Huling Linggo ng Hunyo 2004
Nasa Maynila pa ako, o nasa QC pa ako. Pinapunta ako ng US Embassy June 26, 2004 para sa interview. Umalis ako ng Davao June 25, 2004, kinuha ko ang pinakahuling flight ng Cebu Pacific. Mula sa Domestic airport hanggang Ateneo de Manila, putek, tatlong oras ang biyahe. Tapos, pagpasok sa Gate 2 ng Ateneo, meron balang Blue Babble exhibition. Putek na naman, isang oras ba naman sa taxi mula Gate 2 hanggang Manila Observatory! Nagalit na ako, ibinaba ko na ang mga bag ko at nilakad ko na mula sa M.O. papuntang Cervini. Yun pala, meron ding Holy Spirit Mass sa Ateneo H.S. nang gabing yun, buhol buhol ang trapik sa loob ng Ateneo, animo mga langgam ang mga kotse -- pula ang likod, at parang suso kung umusad.
Nakarating ako sa Cervini, dinala ako ni Tim Gabuna sa kanyang lungga. Pinakain, sarap pala magluto ni Tim! Tapos, hinatid ako ng guwardiya sa Pollock Renewal Center. May MUMU pa dun! May maingay sa kabilang kuwarto ko. Di ako makatulog nang gabing yun.
Maaga akong nagising, para maaga ako sa US Embassy. Sabi ko sarili, mas mabuting maaga kaysa matrapik uli, ayoko nang mangyari ang nangyari kagabi. 6:30 ng umaga, nasa gate na ako ng Embassy. Nakapasok, ang dami palang taong kumuha ng US Visa! Grabe! nakita ko pa sina Zsa Zsa Padilla at Dolphy, pumipila rin kukuha ng visa!
8:30 ang interview ko... 8:45 na ako na interview. Isang tanong lang "What will you do in the US?" Hehe. Whatever. At sa loob ng tatlumpong segundo, oks na ang Visa ko. Naiwan ko na si Engr. Henry Omolida na kasama ko rin, kailangan ko pang mag-almusal at hahabulin ko ang half-day sked ng ADMU, dahil Sabado.
Ang bilis ng taxi na sinakyan ko. P150 lang daw mula US Embassy hanggang ADMU, sabi ko okay. 26 minutes nasa ADMU na ako, buti lang wala kaming nabangga - parang video game ang taxi, game over sana yun.
1 comment:
Cat, sabi ko... "I am visiting Jesuit Universities in the US at the expense of the school. As you may have known, the Embassy has an American Resource Center in Davao City, located inside the Ateneo de Davao. We are expanding our collections and possible linkage with US Universities. At the same time, I would like to meet some of my counterparts in these universities."
Yun lang, tapos binigyan na akong ng dilaw na papel para sa Delbros. Dami ko pa sanang sasabihin, pinatigil na ako. Hehehe.
Post a Comment