Heavy rains and gusty wind were reasons why the Ateneo de Manila grade school classes were cancelled.
Grabe, ang lakas ng ulan at hangin. Walang ganito sa Davao, naglalakad na puno, lumilipad na bubungan. At ito pa, sa kaiikot sa campus ang ADMU, ang dami akong nakikitang estudiyanteng kinakakausap ang sarili. O baka lang nagpaparinig sila sa akin, na hindi naman nila ako kilala. Weird no?
Iba na talaga ang mga bata ngayon, noong nag-aaral pa kami, 10 years ago, hindi ganito kami. Sumasakit ang ulo ko sa ingay, sa hiyawan, sa mura, sa iba ibang nakakabigla na salita. Tanda na marahil ito ng katandaan, o iba na talaga sila sa akin. Mahirap ang trabaho ng ADSA kung ganoon. Merong nakabughaw na staff, umiikot at pinapasuot lahat ng ID. Ako din suot ng ID, pero Ateneo de Davao employee ID.
Nakita ko si Terence Ang, SJ. Nagtuturo pala siya ng Philo 101. Nagkita rin kami nina Dr. Manny Dy, Dr. Enyeng Ibana, Eddieboy Calasanz, at higit sa lahat si Padre Roque J. Ferriols, SJ. Sabi ni Apo Roque, "nakita ko ang anak mo sa pinadala mong kard noong Pasko." Kanina nagkita uli kami, uuwi na raw siya sa San Jose, "nandiyan pa rin at buhay ang San Jose." Mahina na siya at may sundo tuwing 11 ng umaga pauwi sa San Jose Seminary. Ngunit masisilayan ko sa kanya ang igting ng kanyang pamimilosopiya, ang kaloobang malalim at lumalalim.
Nabisita ko rin sina Gus Rodriguez, Mike Mariano, Mr. de Jesus, Ranie Herminda, Albert Lagliva, at iba pang dating kasama kong guro sa Ateneo de Manila. Masaya ang kantiyawan.
Noong Lunes, naghapunan ako kasama sina Jope Guevarra at Krishna Sonza. Kagabi kasama ko naman si Bobby ng Kristong Hari Foundation.
Nagkita rin kami ni Mang Oca, si Oscar Abedejos ng San Jose. Malamig pa rin ang boses. Ito ang taong sumasagot sa telepono sa San Jose Seminary, na kung akalain mo ay tinig ng isang anghel na mang-aawit. Puwede siyang maging DJ.
No comments:
Post a Comment