Andito pa rin ako sa Maynila. Nakikitira sa Pollock Renewal Center, maraming mga pagmumunimuni ang nagaganap habang naiisip ko ang naiwan kong asawa at anak sa Davao. Ito ang una kong pag-alis sa aking tahanan ng mahabang panahon. Mahirap pala matulog kung hindi mo kapiling ang iyong asawa at anak. Sa gitna ng dilim ng gabi, mahirap makatulog sapagkat merong pag-aala-ala, merong pag-aalinlangan.
Dito ko nakita ang halaga ng "presensiya" - mukha sa mukha, katawan sa katawan, laman sa laman. Oo madaling sabihin na kakayanin ng diwa ng tao ang paghihiwalay sa kanyang kapuwa, isang paglampas sa hangganan ng makakatawang presensiya. Ngunit totoo pa ring mas matibay at mas malakas ng presensiyang katawang sabay diwa. Iba ng boses na nasa telepono kaysa sa boses na naririnig kong totoong totoo mula sa aking kaharap.
Babalik na naman ako mamaya sa Pollock, pagod at di makatulog mula sa pag-aalala sa aking mahal na asawa at anak.
1 comment:
isa kang ulirang ama--huwag ka sanang magbabago..we need more fathers like you--from teacher maita :)
Post a Comment