Thursday, September 20, 2007
Balisong
Photo by: Marns Rubinos
Mula dito natatanaw ko ang Samal;Nasa abot-tanaw nagsasama ang langit at dagat.Tahimik ang silid, malamig ang mga upuan;Karirinig lang ng pambungad ng "Star Wars."Sariwa pa ang sikat ng araw,Dumadampi sabay sa karaniwang hanginng Davao.Ngunit poot umaalon sa puso;Looba'y lusay-lusay, wala sa tamang sukat.Sa isang iglap, kumislap sa sikat ng araw,Mula sa isang bahagi ng katawan.Mabilis na dinagit ang balat at murang laman,Ng duguang pusong lumalaban.Ah, pag-ibig na tumitibok,Katwiran ng tao natapilok!Pusong saksakan ang selos,Saksakan nagtapos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment