Monday, January 03, 2005

Bagong Taon 2005

Dumaan na ang 2004. Lumipas na ang nakaraan. Hayaan ninyong gunitain ko ang mga nangyaring mahalaga sa nakalipas na buwan:

Disyembre 2004
Sa antas institusyunal
- nagkaroon ng bagong presidente ang Ateneo de Davao University, si Padre Antonio S. Samson, S.J. (presidente rin siya ng Xavier University);
- naging Asst. Dean ng School of Arts and Sciences (SAS) si Elvi Tamayo;
- naging Dean ng SAS si Dr. Regina Q. Pimentel;
- nailimbag sa unang pagkakataon ng ADDU Planner sa tulong nina Igy Castrillo, Pam Castrillo, Bobby Ching at Ali Figueroa;
- naging matagumpay ang 2004 Alumni Homecoming sa "The Venue";
- napirmahan ang bagong CBA sa pagitan ng pamantasan at ng unyon;


Sa antas na personal
- nagkita kami ni Tonette (Lapus), kaibigan noong nasa ADMU pa;
- narinig kong magpapakasal na si Geoderick E. Carbonel ngayong ika-5 ng Enero 2005;
- may batch reunion ang Philo/ Pre-Div 1993 sa Baguio (sayang di ako makakapunta;
- nakausap ko na rin si Joanne Jesena (pamangkin ni Fr. JJ Jesena), kaibigan rin;
- nagkita rin kami ni Dr. Ginny Ann Bacaltos sa Ateneo Alumni Homecoming;
- naging masaya ang pagsasalo ng mga kamag-anak sa Puan kasam ang mga Balagtas at Salaver
- nagkita rin kami ng doktor ko noong college kung nagkakasakit ako, si Fr. Manny de Belen, SJ;
- nakapunta ako sa Xavier University, nakilala si Custard;
- naranasan ko na rin ang Maria Cristina falls, ang Tinago Falls (na isinara na dahil nalugi, balita ko ang Land Bank of the Philippines na ang may-ari);
- nakita na rin si Fr. Cal Poulin, S.J. (dating SD sa San Jose), Fr. George Esguerra, S.J. (dating Dean ng ADDU), Fr. Nil Guillemit, S.J. (dating guro sa Greek); Fr. Terry Barcelon, S.J. (dating presidente ng ADDU);
- nagkita rin ang mga Josefino sa kaarawan ng anak ni Nonoy Tomacruz kahapon, Jan 2, 2005 sa Harana: sina Toots Bunachita at ang anak na si Aedan, si Paul Pernia at ang asawa, sina Jon at Salve Gales kasama ang anak na si Diwani Maria "Diwa", si Tristan at Pinky Pineda kasama si Colette;

No comments: