PAGPAPASYA AT PAGPAPAUBAYA
Suntok sa Buwan. Ika-19 ng Oktubre, 2004. Mahalaga ang araw na ito sa Ateneo de Davao. Bukod sa ikalimang araw mula sa pagsisimula ng Ramadan, isa rin itong pagbabalik-tanaw sa labindalawang taong pamamalagi ko sa Davao City. Dumating ako dito noong Mayo 1993, kasama ang dalawa kong kaklase: sina Geo Carbonell at Eric Abriam.
Tanda ko pa noong buwang iyon, abala ako sa paghahanda sa bagong yugto ng aking buhay: buhay pagtuturo habang nagmumunimuni ukol sa mahalagang pagpapasya na gagawin sa buhay. Oo nga. Sa Davao ang lugar ng pagpapasya, minsan pagpapasyang tigib sa pasanin ngunit nagpapalaya.
Ngayon, katatapos lang semestre. Nagpapahilom ng sugat ang Ateneo. Ngunit ang sugatan ay kailangan ring bumangon at magpatuloy. Kailangang harapin ang susunod na yugto ng buhay. Ang halaga ay nasa abot tanaw. Hindi ang pananatili sa putik ng pagsisi at sisihan.
Ewan ko kung anong mangyayari sa bukas. Ang bukas ay pinapaubaya sa kamay ng Maykapal, na may hawak ng kapalaran, ang Maykapal(aran). Hindi ba ang gaan ng pasya ay nasa dulo nito .... magpasya at magpaubaya.
Ganyan ng pag-aasawa. Magpasya at magpaubaya.
No comments:
Post a Comment